Inaanyayahan ang lahat na lumahok sa Performatura 2017: Performance Literature Festival na nakatakdang idaos mula Marso 31 hanggang Abril 2 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) at Liwasang Balagtas, Pandacan, Maynila, simula 9:00 ng umaga. Ang tema ng festival ay Sa Loob at Labas ng Bayan kong Sawi mula sa Florante at Laura ni Balagtas.

performatura 2017

Layon nito na lalong maipalaganap sa mga kababayan natin, sa mga estudyante at guro ang pagmamahal sa panitikan at iba pang anyo ng sining sa ating bayan. Libre at bukas sa publiko ang mga pagtatanghal tulad ng oral literature showcase, film showing, pagbabasa ng tula, teatro, mini book fair, marathon reading ng mga akda ni Balagtas, cosplay contest at marami pang iba. 

Para po makapasok sa festival ay kailangan lamang mag-donate ng isang libro, kahit anong libro po. Ang isa ay katumbas ng one day entry pass. Ang makakalap na libro ay ibibigay ng CCP sa mga aklatan ng partner communities nito.

Ang tatlong araw ng festival sa CCP ay binubuo ng:

Performances

  • Heber Bartolome
  • Abra
  • Juan Miguel Severo
  • Binibining Beats ng Zamboanga
  • Kontra-Gapi
  • Sanghabi
  • Teatro Balagtas
  • Jean Ariane Flores ng Laguna
  • Anino Shadowplay

Spoken Word

  • Words Anonymous
  • Ampalaya Monologues by Theather for Alternative Platforms
  • Bukambibig
  • GUMIL ng Ilocos Region
  • NAGMAC ng Cagayan de Oro
  • The Batutes
  • LIRA
  • The Makatas
  • Voltes Vim
  • Happy Mondays
  • KM64
  • Baguio Writers Guild
  • Dumay Solinggay ng Baguio
  • White Wall
  • Alab Volunteer Group

National Artists Speech and Gawad CCP Awardees Interviews

  • Virgilio S. Almario
  • F. Sionil Jose
  • Nora Aunor
  • Ricky Lee
  • Leoncio Deriada

Oral Literature Showcase

  • Rajji performers ng Batanes
  • Balitaw performers ng Cebu
  • T’boli chanters ng South Cotabato

Films

  • Ang Kababaihan ng Malolos, directed by Sari Dalena and Kiri Dalena
  • Komikero Chronicles, produced by Sari Dalena
  • Tribu, directed by Jim Libiran

Performance Art

  • Tupada Action and Media Arts (TAMA)
  • Nerisa Guevarra

Special Events

  • Opening of the National Artist for Visual Arts Cesar Legaspi
  • Birth Centennial Exhibit
  • Akdang Buhay Video Launching
  • Franciscosplay Contest
  • Pag-aalay ng Bulaklak kay Balagtas
  • Lakbay-Kamalaysayan sa Pandacan
  • NBDB Book Fair

Reading Sessions

  • Kids from Dagdag Dunong Reading Center
  • Pinoy Reads Pinoy Books Book Club
  • Students of Philippine National School for the Blind
  • Women’s Playwright International
  • Pinoy Storytellers Group
  • MAFIA

Lecture-Demo

  • Poetry is Our Second Language
  • Bukanegan mula sa Ilocos Region
  • Sarsuwelang Sangang Nabali mula sa Cebu

Para sa kumpletong schedule, i-click ito.

Performatura sa Pandacan

Performance

  • Teatro Balagtas

 Spoken Word

  • KWF Mga Makata ng Taon
  • LIRA

National Artist Speech

  • Bienvenido Lumbera

Special Events

  • Pag-aalay ng Bulaklak kay Balagtas
  • Lakbay-Kamalaysayan sa Pandacan

Para sa kumpletong schedule, i-click ito.

IMPORMASYON SA TICKET:

Para sa mga venue sa CCP 

Mag-donate lamang ng isang libro (kahit na anong libro). Ang isang libro ay katumbas ng One Day Entry Pass.

Para sa Liwasang Balagtas, Pandacan, Maynila

Walang tiket na kailangang bilhin. Libre at bukas sa publiko.

ONLINE REGISTRATION:

Daig ng maagap ang masipag. Magpalista at mag-pre-register sa segments na gusto ninyong puntahan. Gawin ito sa pamamagitan ng www.performatura.com, at pagkatapos ay i-print ang e-ticket. Ibigay ito sa registration staff ng festival sa araw ng inyong pagpunta. Puwedeng mag-pre-register online hanggang 20 Marso 2017, alas-singko ng hapon.

Para magpalista nang maaga, i-click ito.

Para sa dagdag na impormasyon, tumawag sa CCP Intertextual Division sa (02) 551-5959, 832-3706 o magpadala ng email sa ccpintertextualdivision@gmail.com.