Itinatampok ng PILIPINO KOMIKS ang pagtangkilik at pagpapahalaga natin sa mga yaman-kultura ng Panitikang Pang Masa angkop sa 2017 tema ng Pista ng Pamanang Filipino ”Malasakit Para Sa Pamana” (Care for Heritage).

pilipino komiks live

Mga kwentong bayan, kathang-isip at alamat ay syang sikat sa mga likhang-tauhan sa komiks ng dakila at bantog na debuhista at manunulat na si Mars Ravelo. Ang lahat ng kanyang mga bayani mapa babae man o lalaki ay may simpleng-kwentong patok at benta sa ordinaryong-tao puno ng pakikipag-sapalaran at pagwawagi ng mabuti laban sa masama.

Marami ang nakaka-alala at nakaka-kilala kina Darna, Valentina, Dyesebel, Narda, Dario, Ding, Bangenge at marami pang iba panahon na upang balikan sa ating diwa ang makulay at maalamat na nakaraan mga kwentong hango sa mga sikat na seryeng ‘komiks’ ng dekada 50’s.  

Ang Pista ng Pamanang Filipino Inc., katuwang ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, Pambansang Komisyon Para sa Kultura at mga Sining, at PAGCOR, Itinatanghal ang PILIPINO KOMIKS, Isang Produksyon ng Philippine Ballet Theatre sa Mayo 14, 2017 Ika 2:00 ng hapon at 8:00 ng gabi sa Tanghalang Nicanor Abelardo. Ang sikat at bentang-bentang produksyon na choreographed ni Gener Caringal, sa musika ni Chino Toledo at costumes ni Arturo Cruz.

Tunghayan ang mga maalamat na bayaning babae,na sina Darna at Dyesebel na buhay at nakikipag-sapalaran, subaybayan ang bawat makapigil-hiningang yugto ng kanilang pakikipag-tunggali at bunuin ang bawat kabanata ng kulay at kabayanihan na syang naging aliw at libangan nating mga Filipino Ang Mundo ng Komiks sa nakalipas na panahon

Share