Noong 15 Pebrero 2015, naisabatas ang pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Panitkan sa pamamagitan ng Proklamasyong Presidensiyal 968. Ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at National Book Development Board (NBDB) ang mga pangunahing ahensiya na mangangasiwa sa preparasyon, koordinasyon, at implementasyon ng lahat ng aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Panitikan.

buwan ng panitikan 2020

Para sa taóng 2020, nagdisenyo ang Technical Working Group (TWG) ng isang programa na magpapapopular sa kontemporaneong panitikan at muling-magpapakilala ng tradisyonal na panitikan gamit ang mga popular na anyo sa ilalim ng temang “Hayag Panitikan,” na nakatuon sa pag-aambag sa resultang sub-sektor alinsunod sa depenisyon nito sa Kabanatang Kultura ng Planong Pangkaunlaran ng Filipinas, nagsusulong ng halaga ng pagkamalikhain o kahusayang malikhain. Ganito ang mga komponent ng programa para sa taóng ito, na maaaring aplayan ng publiko ( CSO, LGUs, HEIs) para sa mga posibleng ayudang grant:

KATEGORYA NG PROYEKTO MGA INAASAHAN BILANG NG IPINAGKALOOB HALAGA
 1. Paligsahan sa Dramatikong Pagbasa ng mga maikling kuwento (kanonigo o sinulat ng mga Pambansang Alagad ng Sining): Ingles at Filipino
  1. Mga mag-aaral sa sekundarya ang magiging kalahok
  2. Mga kanonigong akda o sinulat ng mga Pambansang Alagad ng Sining ang gagamiting piyesa 
  3. Nasa Ingles o Filipino ang mga piyesang gagamitin
  4. Dapat ganapin ang paligsahan sa publiko na ang bilang ng manonood ay aabot sa 300
  5. Dapat magpasa ng pagkakakilanlan ng pangkat na magsasagawa ng proyekto.
  6. Batayan ng ebalwasyon.
Tatlo (3) (rehiyonal)

₱ 200,000.00 bawat isa 

2. Pagbuo ng isang Pampanitikang Antolohiya ukol sa Pagkain 1. Dapat saklawin ang iba’t ibang Tradisyong Kulinaryo ng Filipinas  Isa (1)  P 250,000.00
3. Produksiyon ng isang Sarsuwela 
  1. May hindi bababa sa tatlong pook na pagtatanghalan sa isang rehiyon
  2. Sangkot sa pagdidisenyo, paglinang, at produksiyon ng proyekto ang mga tagapagtaguyod ng kultura
  3. Aabot sa 1,500 ang bilang ng manonood, 90% nito ay mga mag-aaral sa batayan at mataas na edukasyon sa tatlong pook ng pagtatanghal
  4. Pagtatala ng buong proseso kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, dokumentasyong retrato-video ng pagtatanghal, naratibo tungkol sa sarsuwela at buod ng mga komentaryo ng mga kalahok/manonood
  5. Dapat magpasa ng pagkakakilanlan ng pangkat na magsasagawa ng proyekto.
Tatlo (3)
(rehiyonal)
P 350,000.00 bawat isa
4. Timpalak Florentino Hornedo
  1. Bukas sa mga kalahok sa mga mag-aaral sa elementarya at sekundarya sa Batanes
  2. May dalawang kategorya dapat:
  1. Pangkatang pag-awit para sa elementarya
  2. Pagsulat at pagbasa sa sekundarya
  1. Dapat magkaroon ng palihan sa pagsulat ng laji
  2. Dapat magpasa ng pagkakakilanlan ng pangkat na magsasagawa ng proyekto
  3. Dapat itanghal ang paligsahan sa publiko na may bilang ng manonood na hindi bababa sa 100
Isa (1) P 500,000.00
5. Paligsahan sa paggawa ng maikling pelikula
  1. Mga mag-aaral sa sekundarya ang magiging kalahok.
  2. Nasa Ingles o Filipino ang mga piyesang gagamitin.
  3. Dapat ganapin ang paligsahan sa publiko na ang bilang ng manonood ay aabot sa 300
  4. Dapat magpasa ng pagkakakilanlan ng pangkat na magsasagawa ng proyekto.
  5. Bukás sa lahat ng paaralan/unibersidad, pribado o pampubliko
  6. Ang haba ng lahok ay 5 hanggang 7 minuto at umaayon dapat sa tema
  7. Ang bawat lahok ay dapat may kalakip na sertipiko ng katibayan ng orihinal na gawa.
  8. Batayan ng ebalwasyon.
Tatlo (3) P 200,000.00

Ang sinumang interesado na magsagawa mga proyekto sa alinman sa mga nabanggit na kategorya ay dapat magpása ng Panukalang Proyekto alinsunod sa mga kahingian para sa akreditasyon at format para sa mga panukala.

I-download:     Annex A: NCCA Project Proposal Form

Dedlayn para sa pagpapása ng mga panukala: 6 Setyembre 2019

Nakaadres at ipadala ang mga panukala kay:

BERNAN JOSEPH R. CORPUZ, Chief, P/PFPD
Policy/Plan Formulation and Programming Division (P/PFPD)
National Commission for Culture and the Arts
Room 5-B, Fifth Floor,
NCCA Building 633 General Luna Street, Intramuros 1002 Manila, Philippines
Telepono: (02) 522-2084 (DL) / (02) 527-2192 (TL) lokal. 527 & 511
Fax: (02) 527-2198 / (02) 527-2209 / (02) 527-2194
E-mail:  ppfpd@ncca.gov.ph

Hinihingi ng NCCA ang pagpapása ng isang kompletong panukalang proyekto batay sa itinakdang format para makapagsagawa ng wastong ebalwasyon. Huwag mag-aatubiling kontakin kami sa mga numerong nabanggit kung sakaling mahirapan kayo sa pagsunod sa format.

Maaaring isulat ang panukala sa Filipino o Ingles.

Dapat ipása ang mga panukalang proyekto kalakip ang Sertipiko ng Akreditasyon ng NCCA, na ibinibigay ng NCCA Accreditation and Grants Processing Section (AGPS) sa ilalim ng NCCA Plan/Policy Formulation and Programming Division (P/PFPD), bago mapagtibay ang proyekto.

[Pakitingnan/ i-download: Annex B: Accreditation Checklist]

Share