(Update: PINALAWIG NA DEADLINE PARA SA DIREKTORYO NG WIKA AT SALIN : Tatanggapin ang inyong mga indibidwal at institusyonal na profile hanggang 28 Pebrero 2021.)
Ang Pambansang Komite sa Wika at Salin/National Committee on Language and Translation (NCLT), isa sa mga komite sa Pambansang Komisyon Para sa Kultura at Mga Sining (NCCA) ay nagbubuo ng direktoryo ng mga (a) indibidwal na iskolar ng wika/ mananaliksik sa araling wika at salin, tagasalin, praktisyoner ng pagsasalin; at (b) mga institusyon at samahang pangwika at pampagsasalin para sa dokumentasyon at mga programa ng komite. Kaugnay nito, iniimbitahan ang mga indibidwal at samahan na magpasa ng kanilang akademikong profile para sa nasabing layunin.
Profile ng Mananaliksik/ Iskolar ng Wika at/o Pagsasalin
- Maikling tala tungkol sa sarili, edukasyon, institusyon/paaralan/tanggapang pinaglilingkuran, gawad/gantimpala (kung mayroon) na binubuo ng 300-500 salita
- Listahan ng mga saliksik-wika at/o akdang salin
- Larawan na may mataas na resolusyon at may sukat na 2”X2”.
- Pdf ng mga halimbawa ng nailathalang saliksik-wika at/o akdang salin.
Profile ng Samahang Pangwika at/o Pagsasalin
- Maikling pagpapakilala sa layunin, misyon at kasaysayan ng samahan na binubuo ng 500-800 salita.
- Listahan ng mga tampok at natatanging programa, proyekto, tinanggap na pagkilala (kung mayroon), at mahahalagang ambag ng samahan sa pagtataguyod ng wika at/o salin.
- Listahan ng kasalukuyang pamunuan ng samahan.
- Logo at tatlong (3) larawan tungkol sa mga gawain at proyekto ng samahan na may mataas na resolusyon at may sukat na 4R at anggulong landscape.
Pakisagutan ang komprehensibong pormularyo na maaaring i-download sa ibaba at ipadala nang bukod ang MS word file na naglalaman ng nabanggit na mga detalye ng profile sa email na: nclt.ncca@gmail.com. Ang impormasyong makakalap ay gagamitin sa dokumentasyon ng istatus ng wika at salin sa Pilipinas. Tatanggapin ang inyong mga indibidwal at institusyonal na profile hanggang 31 Enero 2021 28 Pebrero 2021.