Ikalawa, sa pamamagitan ng planong ito ay nagkaroon din ng mga pagpapaunlad ng mga imprastrukturang pangkultura at nabigyan ng permanenteng tahanan ang mga ahensiyang gaya ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Pambansang Museo ng Pilipinas o National Museum of the Philippines (NMP), at Pambansang Sinupan ng Pilipinas o National Archives of the Philippines (NAP). Noong 1997, pinangunahan ni Pangulong Ramos ang pagpapasinaya sa rekunstruksiyon ng Intendencia o Gusaling Aduana sa Intramuros na siyang magiging tanggapan ng NAP. Gayun din sa kaniyang termino nilagdaan ang RA 8492 o National Museum Act of 1998 kung saan napagtibay ang pagpapalawak ng National Museum Complex kung saan nailipat sa pamamahala ng NMP ang Old Legislative Building, Old Finance Building, at Tourism Building kung saan ngayon ay matatagpuan na ang National Museum of Fine Arts, National Museum of Anthropology at National Museum of Natural History.
Ikatlong bahagi din ng plano ang pagpapalawig ng mga programang nakatuon sa sektor mula taong 1996 hanggang 2000. Kasama rito ang pagpapatibay sa mandato ng NCCA bilang isang grants giving agency, gayun din ang pagdeklara ng taong 1996 bilang Year of Filipino Heroes bilang pagkilala sa mga Pilipinong naging bahagi ng pakikibaka para sa Kalayaan. Dagdag pa rito, isa sa mga pangunahing panukala ng kaniyang administrasyon na kaniyang isinaad sa National Development Summit (Pole Vaulting Conference) na ginanap noong 1997 ay ang gawing isang sentrong pansining at pangkultura ang bansa. Sa panunungkulan ni Fidel V. Ramos naisabatas ang RA No. 7355 o ang institusyunalisayon ng pagkilala sa mga Manlilikha ng Bayan (National Living Treasures). Sa kaniyang administrasyon unang nagawaran sina Manlilikha ng Bayan Samaon Sulaiman, Masino Intaray, Ginaw Bilog, Salinta Monon, at Lang Dulay. Bilang pagdiriwang ng sentenaryo ng republika, pinangunahan din ng kaniyang administrasyon ang pangangasiwa ng Philippine Centennial Celebrations mula 1996 hanggang 1998.
Sa mga gawaing ito, mataimtim na inaalala ng Komisyon at ng sektor ng mga manggagawa sa sining at kultura ang mga kontribusyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa pagpapaunlad ng kalinangan ng bansa.
“A national culture that truly reflects and appreciates the native talent and resourcefulness of the Filipino. It has become a cliche, but it is nonetheless true: Real development has a human face.”
Para sa E-Condolence Book na inihanda ng Department of Foreign Affairs La Union Consular Office, i-click ang link sa ibaba:
https://tinyurl.com/fvr-econdolence-book