Larawan kuha ni Paul Sugano / NCCA Public Affairs and Information Office

Pahayag ukol sa pagkasunog ng gusali ng Manila Central Post Office, isang Mahalagang Yamang Pangkalinangan (Important Cultural Property)


Ikinalulungkot po ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na tinupok ng apoy ang Manila Central Post Office Building ngayong araw. Bilang isang natalagang Mahalagang Yamang Pangkalinangan (Important Cultural Property), tunay ngang masasabi na isa ang gusaling ito sa mga pinakamaganda sa ating lungsod at isang mahalagang bahagi ng ating pambansang pamana.

Kasama ang mga sangay pang-kultura at iba pang tanggapan ng pamahalaan, handa pong tumulong ang NCCA sa abot ng aming kakayahan hindi lamang sa pag-ayos ng nasirang gusali, kundi maging sa pagbabalik ng normal na operasyon ng Philippine Postal Corporation (PHLPost). Hinihiling din namin ang pakikiisa ng lahat sa mahalagang gawaing ito.

Nawa ang pag-ayos ng mga nasira ay masimulan nang walang gaanong abala sa hanapbuhay at paglilingkod ng mga kawani ng PHLPost, na ating inaalaala dahil sa mga hamon na kanilang hinaharap ngayon.

 

Share