While we are disappointed with the lifting of the TRO in the Torre de Manila Case, we look forward to reading the Supreme Court decision.
The case has shown us that there is a wellspring of support for the protection of our cultural heritage. The public is aware of the need to protect heritage and the public outcry over the decision shows this.
This is also a good time to review our laws that protect heritage and see how they could be strengthened in order for the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and other government agencies to fulfill the State obligation to protect, preserve and promote culture. No less than the Philippine Constitution requires that heritage should be preserved.
Filipino translation:
Bagaman hindi namin ikinasisiya ang pagkakaalis ng TRO sa kaso ng Torre de Manila, hinahangad naming basahin ang desisyon ng Korte Suprema.
Pinatutunayan sa atin ng kaso na may mayamang bukal ng suporta sa pangangalaga sa ating pamanang pangkultura. Batid ng publiko na dapat protektahan ang pamana ng lahi at pinatutunayan ito ng kanilang mariing pagtutol.
Isang mainam na pagkakataon din ito upang muling suriin ang ating mga batas na nangangalaga sa pamana ng lahi at pag-aralan kung paano mapalalakas ang mga ito upang maisakatuparan ng NCCA at ng iba pang ahensiya ng gobyerno ang tungkulin ng Estado na mangalaga, magpreserba, at magpalaganap ng kultura. Mismong ang Konstitusyon ng Filipinas ang nagtatakda na itaguyod ang pamana ng lahing ito.