Bilang pakikiisa sa #FilipinoValuesFestival celebration sa buwan ng Nobyembre, ang Flipino Values Program ng NCCA ay mangangasiwa ng Heneral Tuna Fan Art Contest! Tinatawagan ang mga estudyante at amateur artists na edad 13 hanggang 21 na sumali sa dalawang kategorya: traditional o digital art.
Siguruhin lamang na ang fan art ay tumatalakay sa alin man sa mga Filipino Values na natunghayan sa mga episodes ng Heneral Tuna animated series, at kasama sa komposisyon ang karakter ni Heneral Tuna!
MECHANICS
TRADITIONAL
- Medium: pencil, charcoal, watercolor, acrylic, oil paint, o oil pastel; sa papel, kahoy o canvas;
I-submit ang malinaw at high-resolution scan ng entry na may sukat na at least 1000×1000 pixels.
DIGITAL
- Medium: digital painting o digital illustration na raster o vector, gamit ang kahit anong free o paid software;
I-submit ang malinaw at high-resolution render na .JPG o .PNG file ng entry na may sukat na at least 2000×2000 pixels.
PRIZES
TRADITIONAL O DIGITAL
- 1st Place – Php 10,000.00 + Certificate
- 2nd Place – Php 7,500.00 + Certificate
- 3rd Place – Php 5,000.00 + Certificate
Deadline: Simula October 10 hanggang November 10, 2022
Ang mga napiling entry ay ipopost sa Heneral Tuna Social Media Pages simula November 14 at maaaring ipa-”like” o “react” ang kani-kanilang mga gawa hanggang November 18.
Sa November 21, ang mga napili ng mga hurado mula sa NCCA para sa dalawang kategorya ang mananalo, at maaari ring makonsidera ang mga entry na may maraming likes o reactions!
CRITERIA
- Content – 30%
- Creativity – 30%
- Originality – 30%
- Audience – 10%
Siguruhin lamang na ang inyong entry ay tunay na orihinal na gawa at ang mga ginamit na medium ay libre o sariling pag-aari.
Para sa ibang detalye ng contest, maaring basahin ang poster at bisitahin ang link na ito para sa mga karagdagang impormasyon:
https://bit.ly/3rJbJGA