Malugod na ipinapabatid ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, sa pangunguna ng Pambansang Komite sa Wika at Salin, ang dalawang nagwagi sa 2024 Gawad Rolando S. Tinio sa Tagasalin, o ang Translator’s Prize!
 
Ang programang ito ay naglalayong mabigyan ng mas malaking puwang ang pagsasalin ng mga teksto at akdang nasusulat sa iba’t ibang wika sa Filipinas patungo sa pambansang wika. Ang pagsasalin ng mga akda ay paraan upang mas maintindihan ang mga ito at mapahalagahan ng mga mambabasang Filipino.
 
Abangan ang susunod na panawagan para sa mga nagnanais lumahok sa Gawad Rolando S. Tinio sa Tagasalin sa mga opisyal na social media accounts ng NCCA.
 
Muli, malugod na pagbati kina G. Tabag at G. Avenido!
 
Share