Proyekto 1: Pagsasalin sa Filipino ng mga dokumento at akdang pampanitikan
Kalipikasyon ng mga proponent: 1. Organisasyong pangwika na nagsusulong ng Wikang Filipino, Kolehiyo o Unibersidad, Broadcast and Print Media organization, Local Government Unit; 2. Mayroong magandang track record; 3. Walang proyekto sa NCCA sa kasalukuyan at walang outstanding unliquidated project sa NCCA.
Mga kailanganin sa pagsusumite: 1. Regular na mga kahingian ng NCCA (tingnan ang pormularyo ng proposal); 2. Kumpletong panukalang proyekto na may detalyadong Line Item Badyet at nagpapakita ng katuwang na pondo.
Criteria para sa ebalwasyon ng mga proposal: Ang dokumento na isasalin ay kalakip ng mungkahing proyekto, halimbawa ng mga dokumento ay mga batas na may pambansang kabuluhan; at mga akdang pampanitikan tulad ng epiko at iba pa.
Badyet sa bawat proyekto: Php100,000
Nakalaang bilang ng aplikasyon: 10 slots
Proyekto 2: Pagsasalin ng mga mahahalagang akdang Filipino sa mga wika ng ASEAN +East Timor
Kalipikasyon ng mga proponent: 1. Organisasyong pangwika na nagsusulong ng Wikang Filipino, Kolehiyo o Unibersidad, Broadcast and Print Media organization, Local Government Unit; 2. Mayroong magandang track record; 3. Walang proyekto sa NCCA sa kasalukuyan at walang outstanding unliquidated project sa NCCA.
Mga kailanganin sa pagsusumite: 1. Regular na mga kahingian ng NCCA (tingnan ang pormularyo ng proposal); 2. Kumpletong panukalang proyekto na may detalyadong Line Item Badyet at nagpapakita ng katuwang na pondo.
Criteria para sa ebalwasyon ng mga proposal: Ang dokumento na isasalin ay kalakip ng mungkahing proyekto, halimbawa ng mga dokumento ay mga batas na may pambansang kabuluhan; at mga akdang pampanitikan tulad ng epiko at iba pa.
Badyet sa bawat proyekto: Php1,000,000
Nakalaang bilang ng aplikasyon: 1 slot
Proyekto 3: Pagbuo ng mga instructional materials sa Filipino sa mga lugar na hindi pangunahing wika ang Tagalog
Kalipikasyon ng mga proponent: 1. Indibidwal, grupo o institusyon na may bagong ihahain o pagtingin sa wika ng edukasyon; 2. Mayroong magandang track record; 3. Walang proyekto sa NCCA sa kasalukuyan at walang outstanding unliquidated project sa NCCA.
Mga kailanganin sa pagsusumite: 1. Regular na mga kahingian ng NCCA (tingnan ang pormularyo ng proposal); 2. Kumpletong panukalang proyekto na may detalyadong Line Item Badyet at nagpapakita ng katuwang na pondo.
Criteria para sa ebalwasyon ng mga proposal: 1. Nagkaroon na ng pananaliksik hinggil sa mga mahahalagang laman ng bubuuing instructional materials; 2. Ang mungkahing proyekto ay may kalakip na letter of endorsement mula sa DepEd Regional Office (kung saan ay naka-angkop ang bubuuing instructional materials alinsunod sa pamantayan ng DepEd); 3. Paggamit ng mga iba’t ibang diyalekto sa pagpapayaman ng wikang Filipino; 4. Ang mungkahing proyekto ay kailangang naglalaman ng mga pamamaraan at/o metodolohiya sa pagbuo ng instructional materials; 5. Tutugon saGrades 1-6; 6. Ang gagawa ng proyekto ay guro sa Filipino.
Badyet sa bawat proyekto: Php200,000
Nakalaang bilang ng aplikasyon: 6 slots