[Ang pahinang ito ay kasalukuyang isinasaayos. Mangyaring bisitahin at muling balikan ang pahinang ito sa mga susunod na araw para sa iba pang updates sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan 2022.]
![]() |
Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF); at Pambansang Lupon para sa Pagpapaunlad ng Aklat (National Book Development Board – Philippines), isinasagawa tuwing buwan ng Abril ang Buwan ng Panitikan alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015. Ngayong taon, ipinagdiriwang ang Buwan ng Panitikan 2022 sa temang “Muling Pagtuklas sa Karunungang-Bayan” bilang paghihikayat at paraan ng pagpapasigla ng interes ng kasalukuyan at nakaraang henerasyon pagdating sa pag-aaral, muling pagtuklas, at pangangalaga sa mga kuwento at karunungang-bayan at ng iba’t iba nitong mga porma at anyo. Sa mga nakalipas na taon, ang Buwan ng Panitikan ay ipinagdiwang na sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Bunsod ng mabisang pakikipagugnayan sa iba’t ibang institusyong pansining at pangakademiko, gayun din ang iba pang organisasyong nagtataguyod ng panitikan, iba’t ibang mga grupo na ang nagpakita ng interes sa pakikiisa at ang ilan ay nagsasagawa na ng kanikaniyang programang pampanitikan tuwing buwan ng Abril. Bagaman nagkaroon ng malaking pagbabago bunsod ng pangmalawakang sitwasyong pagkalusugan na hatid ng Covid-19 virus, nagpapatuloy parin ang mga programang pampanitikan sa iba’t ibang online platforms mula noong 2020 Abangan ang iba’t ibang mga programang pampanitikan ngayong Abril! #NLM2022 |
![]() |
KALENDARYO NG MGA GAWAIN PARA SA BUWAN NG PANITIKAN 2022
![]() |
MGA PROGRAMA PARA SA BUWAN NG PANITIKAN
![]() |
![]() |
![]() |
Buwan ng Panitikan 2022 Virtual Press Conference |
Pagbubukas ng Buwan ng Panitikan Panayam: Muling Pagtuklas sa Karunungang Bayan |
13th Philippine International Literary Festival |
Paanyaya para sa Timpalak Florentino Hornedo | KWF Serye ng Webinar EP1 Lokal na Kasaysayan sa Pagpapatibay ng Pambansang Identidad |
Author on Author: Creative Doctors |
Paggawad para sa mga nagwagi sa Timpalak Florentino Hornedo Pagsulat at Pag-awit ng Laji (Bersiyong Onlayn) | KWF Serye ng Webinar EP2 Pagsisinop at Muling Pagsulat ng Karunungang-Bayan: Pagpapalakas ng Lokal na panitikan sa Pagbubuo ng Panitikang Pambansa |
|
Paanyaya para sa Timpalak Balitaw 2022 | KWF Serye ng Webinar EP 3 Wikang Katutubo, Wikang Tagos-puso: Buod ng Damdamin at Karanasan ng Mamamayang Muslim |
|
Paggawad sa mga nagwagi sa Timpalak Balitaw 2022 | KWF Serye ng Webinar EP4 Saliksik Etnograpiya sa Pangingisda at Pagsasaka: Tuon sa Nagsasalimbayang Puwersa ng Polisiya, Institusyon, at Kapaligiran |
|
Paanyaya para sa Timpalak Leleng 2022 | Lekturang Jacinto 2022 | |
Paggawad para sa mga nagwagi sa Timpalak Leleng 2022 |
MGA KATUWANG NA AHENSIYA / ORGANISASYON
![]() |
UMPILAN sa FB Live Writers Forum Series
Gawad Alagad ni Balagtas, Paz Marquez Benitez, at Pedro Bucaneg |
MGA MAAARING I-DOWNLOAD: