[Ang pahinang ito ay kasalukuyang isinasaayos. Mangyaring balikan ang pahina sa mga susunod na araw para sa updates.]
![]() |
Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF); at Pambansang Lupon para sa Pagpapaunlad ng Aklat (National Book Development Board – Philippines), isinasagawa tuwing buwan ng Abril ang Buwan ng Panitikan alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015. Ngayong taon, ipinagdiriwang ang Buwan ng Panitikan 2023 sa temang “Kultura ng Pagkakaisa: pagsisiyasat ng pagkakaisa sa pamamagitan ng panitikan” na may layuning tuklasin ang pagkakaisa ng bawat Pilipino na gumagabay sa pagbuo ng isang bayan. Bilang isang malumay na kapangyarihan, ito ay magbibigay daan upang alamin kung paano papalaganapin ng panitikan ang pagkakaisa at kung ano-ano ang papel ng mga manunulat at ng kanilang mga akda sa pagpanday ng pagkakaisa sa panahong ito ng mga pekeng balita na nagpupunla ng pagkakawatak-watak ng kasalukuyang lipunang Pilipino. Sa mga nakalipas na taon, ang Buwan ng Panitikan ay ipinagdiwang na sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Bunsod ng mabisang pakikipagugnayan sa iba’t ibang institusyong pansining at pangakademiko, gayun din ang iba pang organisasyong nagtataguyod ng panitikan, iba’t ibang mga grupo na ang nagpakita ng interes sa pakikiisa at ang ilan ay nagsasagawa na ng kanikaniyang programang pampanitikan tuwing buwan ng Abril. Bagaman nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagsasagawa ng mga proyekto buhat ng Covid-19 virus, patuloy pa ring matutunghayan ang mga programang pampanitikan sa iba’t ibang online platforms, na ngayon ay unti-unting bumabalik sa dating gawi. Halina’t tuklasin ang kultura ng pagkakaisa sa pamamagitan ng panitikan!
|
KALENDARYO NG MGA GAWAIN PARA SA BUWAN NG PANITIKAN 2023
MGA PROGRAMA PARA SA BUWAN NG PANITIKAN 2023
(ang bahaging ito ay kasalukuyang isinasapinal)
SOCIAL MEDIA CAMPAIGN KAUGNAY NG BUWAN NG PANITIKAN