[This page is in progress.]

NLM 2025 Official Cover photo

 


ANG BUWAN NG ABRIL AY BUWAN NG PANITIKAN! 

Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, Komisyon sa Wikang Filipino, at ang Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Aklat o National Book Development Board – Philippines alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015, ating ipinagdiriwang ang National Literature Month o Buwan ng Panitikan ngayong darating na Abril.
Samahan kami sa pag-sikad ng #NLM2025!

TEMA: Sikad Panitikan: Kultura at Panitikan ng Kaunlaran

Sa simula pa man, bago pa ang mga kolonyal na impluwensiya at tungo rin sa moderno at mga kontemporaneong diskurso at kislap-diwa ukol mga katutubong wika at dunong, mga akda na bumabasag ng mga de-kahong pananaw, mga unlad-kaisipan para sa mga mapagpanibagong komunidad. Ang panitikan ay isa sa mga naging susi sa pagtuklas ng mga bagong ugat ng identidad. Ito rin ay isang tulay sa pagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga isyung panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitika kung kaya’t may mahalagang papel sa patuloy na pag-unlad ng bansa. Sa pagdaan ng panahon, ito ay nagbigay daan upang lalong mapalaganap ang mga kuwento ng pagpupunyagi at mga pagninilay na magpapayaman sa bansa at makatutulong sa pagpapatuloy ng pagbuo ng isang mayamang kulturang hindi lamang para sa iilan, kundi para sa lahat. 

Sikad Panitikan… para sa iba, para sa bayan.


NLM EDITABLE AT DOWNLOADABLE FILES


 

Share